Asia’s Next Top Model Maureen Wroblewitz – inuulan ng showbiz offer at admirers

526

Showbiz – Inuulan ngayon ng offer sa showbiz ang Filipino-German Beauty na si Maureen Wroblewitz matapos na manalo sa Asia’s Next Top Model.

Katunayan, ngayong linggo, ilang malalaking TV networks sa bansa ang imi-meet ni Maureen para pag-usapan ang kung ano ang plano ng mga ito sa kanyang career.

Bukod sa modelling, willing din naman ang dalaga na sumabak sa pag-aartista.


Pero maliban sa kaliwa’t kanang offer sa showbiz, usap-usapan din ang mga kalalakihang umaaligid ngayon sa Fil-German beauty.

Kabilang nga rito ang The Voice Philippines contestant na si JK Labajo.

Bukas naman ang handler ni maureen sa mga showbiz offer sa kanya pero todo-bakod din sa mga manliligaw nito para makapag-focus muna sa kanyang career.



Facebook Comments