Asset ng pulis, dead on the spot matapos pagbabarilin sa Caloocan City

Manila, Philippines – Dead on the spot ang isang babae na nakilala lamang sa alyas na Joydie, matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa Eskinita ng 3rd Avenue Caloocan City.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nakita ng ilang nakasaksi na isang lalaki lamang ang bumaril sa babaeng biktima sa loob ng eskinita habang nasa tatlo hanggang apat na iba pa ang nagsilbing lookout.

Mabilis na tumakas ang mga suspek lulan ng kanilang mga motorsiklo, habang iniwang nakahandusay at wala ng buhay ang biktima na kilala umano sa lugar bilang asset ng mga pulis.


Inaalam pa ng pulisya ang motibo at pagkakakilanlan ng mga tumukas na suspek at inaalam din kung mayroong CCTV camera sa lugar ng pinangyarihan ng krimen.

Facebook Comments