Sunday, July 12, 2026

Assistant Ombudsman Clavano, kinumpirma ang nakatakdang pagharap sa kanila ng maleta boys

Kinumpirma ng Office of the Ombudsman na nakatakda nitong paharapin ang ilang “maleta boys” sa June 11, 15, at 16.

Ito ay matapos ilahad ni Atty. Levito Baligod na iisa-isahin ng Office of the Ombudsman ang labing-walong “maleta boys” para isalang sa imbestigasyon.

Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, regular na nilang ini-interview ang “maleta boys” bago pa ang napaulat na iskedyul ng pagharap sa Ombudsman.

Bahagi aniya ito ng kanilang pagsisikap na walang anumang detalye o ebidensiya ang mapapalampas.

Ani Clavano, susundan nila kung saan sila dadalhin ng mga ebidensiya.

Una nang sinabi ni Baligod na unang sasalang sa interview ng panel of investigators ng Ombudsman si Johnny Buduan sa June 11.

Sa June 15 naman ay isasalang sina Anselmo Taberdo at Belnard Tube, at sa June 16 sina Christopher Esquivel at Gil Navidad Jr.

Facebook Comments