ASSOCIATE JUSTICE POST | JBC, bukas na sa aplikasyon para sa associate justice

Binuksan na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang pagtanggap ng aplikasyon at nominasyon para sa Associate Justice post ng Korte Suprema.

Ito ay para sa nabakanteng pwesto ni Chief Justice Lucas Bersamin bilang associate justice.

Sa abiso ng JBC, tatatanggap sila ng aplikasyon o nominasyon kalakip ng mga requirement hanggang sa January 22, 2019.


Sa darating na Enero, isa pang associate justice post ng Supreme Court (SC) ang mababakante.

Facebook Comments