Assunta de Rossi, emosyonal pa rin sa itinuturing niyang “miracle baby”

124

Hanggang ngayon ay emosyonal pa rin ang first time mom at aktres na si Assunta de Rossi sa kaniyang ‘’miracle baby’’.

Sa Instagram post ni Assunta, ibinahagi niya ang sonogram ng kaniyang baby at hanggang ngayon ay hindi pa rin daw nila alam kung boy o girl ang paparating nilang blessing.


Say pa ng aktres, noong una itong ma-scan ay kasing liit lang daw ito ng isang jelly bean kung saan may takot ang aktres na hindi ito mabubuhay.

Sa ngayon, nagpapasalamat si Assunta na naka-survived siya sa kaniyang 1st at 2nd trimester ng pagbubuntis noong lockdown na walang anumang komplikasyon.

Facebook Comments