Assunta de Rossi, excited na sa paglabas ng kanyang “miracle baby”

Hindi maitago ng soon-to-be mom na si Assunta de Rossi ang kanyang excitement dahil nasa huling buwan na ito ng kanyang pagbubuntis.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Assunta ang sonogram picture ng kanyang baby.

Ayon sa aktres, ilang araw na lang ang kanyang hihintayin at makikita na niya ang kanyang baby na 20 taon nilang hinintay ng kanyang asawang si Jules Ledesma.


Tinawag ni Assunta na “miracle baby” ang kanyang pinagbubuntis sa pag-aakalang hindi na niya mararanasan na maging isang mommy dahil sa sakit na mayoma at endometriosis.

Facebook Comments