Asymptomatic at pre-symtomatic, may kaibahan ayon sa DOH

36

Nanindigan ang Department of Health (DOH) na wala pang nairerekord na asymptomatic transmission ng COVID-19 sa gitna ng global pandemic.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang mga infected individual na walang nakitaang sintomas ay maaaring pre-symptomatic.


Muli ring binanggit ni Vergeire ang deklarasyon ng World Health Organization (WHO) na wala pang ebidensyang nagpapatunay na mayroong asymptomatic transmission ng COVID-19.

Maaari lamang iprayoridad ang asymptomatic individuals sa expanded COVID-19 testing program ng pamahalaan kung sila ay na-expose sa mga infected patient.

Facebook Comments