Ateneo Volleyball Star Player Jia Morado, magsasagawa ng jersey auction para makatulong sa mga Frontliners

33

Mag-sasagawa ng jersey auction campaign si Ateneo Volleyball Star Player Jia Morado para makatulong sa mga Health Workers at Frontliners.

Sa facebook post ni morado, sinabi niya na i-aauction niya ang kaniyang puting jersey na huling taon niya sa paglalaro sa Ateneo na magsisimula sa halagang p1,200.


Aniya, ang mga interesado sa nasabing auction ay maaaring bumisita sa kaniyang facebook page na “Every Little Thing Counts” at mag-bid na magtatapos hanggang sa Abril 1 ng tanghali.

Si Morado ay isa sa naging National Team Player at two-time champion sa UAAP na tinaguriang Best Setter noong Season 77.

Facebook Comments