ATIO CASTILLO CASE | Huwes na may hawak sa kaso, nag-inhibit na

55

Manila, Philippines – Tuluyan nang nag-inhibit sa Atio Castillo hazing case si Presiding Judge Alfredo Ampuan ng Manila RTC branch 40.

Kasunod ito ng kahilingan ng mga akusadong miyembro ng Aegis Juris Fraternity na sina John Robin Ramos at Jose Miguel Salamat.

Ayon kina Ramos at Salamat, bayaw kasi ni Volunteers Against Crime and Corruption Founding Chairman Dante Jimenez si Judge Ampuan na isa sa mga sumusuporta sa pamilya Castillo.

Ayon sa dalawa, ang maybahay din ni Judge Ampuan na si Marilissa Jimenez Ampuan ay kapatid ni Dante Jimenez.

Dahil dito, duda sina Salamat at Ramos na magiging patas pa ang hukom sa paglilitis ng kaso.

Facebook Comments