
CAUAYAN CITY -Nasungkit ng isang atleta mula sa lalawigan ng Isabela ang gintong medalya sa katatapos na 2025 Taekwondo Wein Cup sa Singapore.
Siya si Cris Reymar Lopez, isang taekwondo athlete mula sa bayan ng Quezon, Isabela at dati rin siyang young responder ng Rescue 819.
Nakaharap ni Lopez sa final match ang national athlete ng Singapore kung saan nagpakitang gilas si Lopez dahilan upang maiuwi ang gintong medalya.
Ayon kay Lopez, ang karangalan ay bunga ng kanyang sakripisyo, paghahanda, at pagsasanay para sa torneo.
Nagpaabot din ito ng pasasalamat sa kanyang pamilya, coaches, mga kasamahang atleta, at sa lahat ng sumuporta sa kanyang laro.
Facebook Comments