Atom Araullo, tuluyan nang nagpa-alam sa Kapamilya Network

336

Showbiz – Thankful ang journalist / host na si Atom Araullo sa ABS-CBN sa halos mahigit sampung taon na pananatili nito sa Kapamilya Network.

Nabatid kasi na tuluyan na niya itong iiwan upang ipursige ang plano nitong pagsabak sa film broadcast at digital media.

Magkaganoon pa man, mananatili pa rin sa puso’t isipan ni Atom ang pagiging kapamilya dahil malaki ang naitulong ng network sa kaniyang career.

Maging ang ABS-CBN ay todo pasasalamat din kay Atom sa mga naitulong nito at nirerespeto din nila ang kaniyang desisyon sa panibagong karera na kaniyang papasukin.

Mapapanood naman si Atom sa pelikulang Citizen Jake na hanggang sa ngayon ay wala pa din petsa kung kailan ito ipapalabas.

Facebook Comments