Atty. Larry Gadon, nirerespeto ang desisyon ng Korte Suprema na nagbasura sa kaniyang petisyon na nagpapadeklarang unconstitutional ang R.A. 6639 o An Act Renaming the Manila International Airport as the Ninoy Aquino International Airport

454

Iginagalang ni Atty. Larry Gadon ang naging pagbasura ng Korte Suprema sa kaniyang petisyon na nagpapadeklarang unconstitutional ang R.A. 6639 o ang batas na nagpalit sa pangalan ng Manila International Airport patungong Ninoy Aquino International Airport.

Pero, ikinalungkot ni Gadon na hindi nakita ng mga mahistrado ang gusto niyang bigyang diin sa petisyon.

Inaasahan ng naturang abogado na maninindigan ang mataas na korte na igiit na dapat ay pumasa sa basic requirements ang isang house bill bago maging valid na isang batas.

Dagdag ni Gadon, kuntento na siya na nagsilbing pangmulat ng mata ang kaniyang adbokasya at natutuwa siya na suportado ito ng publiko.

Facebook Comments