Atty. Macalintal, sinopla ng kampo ni BBM

509

Manila, Philippines – Sinopla ng kampo ni dating Senador Bongbong Marcos ang pahayag ni Atty. Romy Macalintal na dapat nang bitawan nito ang election protest.

Ito ay upang matutukan na ni VP Leni ang kanyang bagong tungkulin bilang co-chair ng Inter Agency Committee on Anti-Illegal drugs o ICAD.


Sa isang kalatas, sinabi ni Atty. Vic Rodriguez, spokesperson ni Marcos, nanaginip umano si Macalintal sa kaniyang mga hugot na pahayag.

Mistulang tinatamad na ang legal counsel ni Robredo na makipagbakbakan sa PET.

Ani Atty. Rodriguez, ang dismissal sa mga pending action sa electoral tribunal ay naka-base sa merito at hindi ng hungkag na pamumulitika at mga walang lamanga sound bytes.

Facebook Comments

From Advertisers