Australian borders, hindi pa bubuksan sa biyahero

41

Hindi pa rin magbubukas ang Australia ng international borders para sa mga biyahe ngayong taon.

Ito ang naging pahayag ni Australian Health Department Secretary Brendan Murphy sa kabila ng paggulong ng COVID-19 vaccination program sa kanilang bansa.


Aniya, nais nilang mapigilan pa ang local transmission at pagkalat ng virus lalo na’t ilang bagong variant pa nito ang umusbong.

Matatandaang Marso 2020 nang isara ng Australia ang kanilang borders kung saan limitadong bilang lamang ng kanilang mga residente at pamilya ang nakakabalik kada linggo.

Facebook Comments