Australian Seahawk helicopter, bumagsak sa bahagi ng Eastern Luzon ayon sa AFP

552

Bumagsak habang dumaraan sa bahagi ng Eastern Luzon ang Australian MH60R Seahawk  helicopter kagabi.

Ito ang kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Colonel Ramon Zagala.


Aniya, tatlo ang sakay ng nasabing helikopter na nakaligtas sa pagbagsak matapos agad ma-rescue ng barko ng Royal Australian Navy na HMAS Brisbane.

Sa ngayon ayon kay Col. Zagala, nakikipag-ugnayan na sila sa Australian counterparts para iparating na handang tumulong ang AFP kung kinakailangan.

Batay sa nakuhang report ng AFP sa Royal Australian Navy, nagsasagawa ang lulan ng Seahawk ng navy to navy engagements, kasama ang iba pang bansa sa Southeast at Northeast Asia nang mangyari ang pagbagsak.

Facebook Comments