Australian singer at actress na si Olivia Newton-John, pumanaw na sa edad na 73

120

Pumanaw na ang kilalang Australian singer at actress na si Olivia Newton-John sa edad na 73.

Kinumpirma ito ng kaniyang asawa sa isang pahayag kung saan payapa itong binawian ng buhay sa piling ng kaniyang pamilya at kaibigan sa kaniyang ranch sa Southern California.

Nagbigay-pugay naman ang kaniyang co-star sa musical romantic comedy film na “Grease” na si John Travolta sa pagpanaw ni Olivia.


Matatandaang ibinunyag ng singer-actress noong Setyembre 2018 na nagpapagamot ito sa cancer sa ibaba ng kaniyang spine.

Maliban sa pagganap bilang Sandy Olsson sa Grease, naging tanyag din si Olivia sa kaniyang mga hit songs na “Hopelessly Devoted to You” at “You’re the One I Want” at “Summer Nights” kung saan ka-duet niya rito si Travolta.

Facebook Comments