
Sinimulan na ng New NAIA Infra Corp. (NNIC) ang pagpapatupad ng automated parking system sa NAIA.
Layon nito na maiwasan ang mahabang pila ng mga sasakyan sa parking.
Sa ilalim ng automated parking system, ang mga sasakyan ay papasok sa unmanned entrances, kung saan sila ay makatatanggap ng automated ticket at sa kanilang pag-exit, gagamitin nila ang QR code-based system.
Sa ngayon, cash payments pa lamang ang tinatanggap pero simula sa March 14, magkakaroon na ng multiple payment options, tulad ng GCash, PayMaya, debit, at credit cards.
Sa July naman ng taong ito ay maglalagay na ang NNIC ng autopay stations sa NAIA terminals.
Facebook Comments