
Ipinasara ng Department of Migrant Workers (DMW) ang operasyon ng Aerostrategies Inc., isang aviation consultancy firm, matapos matuklasang sangkot ito sa illegal recruitment ng aircraft mechanics papuntang Texas, USA.
Nangangahulugan ito na hindi lisensyado ang naturang kompanya.
Batay sa reklamo ng dalawang biktimang dumulog sa DMW, pinangakuan sila ng Aerostrategies ng trabaho sa loob ng 10 buwan hanggang isa’t kalahating taon, at may sahod na $3,344 o ₱193,000
Ang mga opisyal ng Aerostrategies Inc. ay mahaharap sa kasong illegal recruitment at isasama sa DMW List of Persons and Entities with Derogatory Record.
Inirekomenda na rin ng DMW sa Mabalacat City,Pampanga ang kanselasyon ng business permit ng kompanya at ang pagbawi ng registration nito sa Securities and Exchange Commission (SEC).