Aviation gateways, palalawakin ng DOTr

44

Palalawakin ng Department of Transportation (DOTr) ang international aviation gateways sa iba pang paliparan.

Sa Televised Briefing, ayon kay Transportation Sec. Arthur Tugade, sakop ng aviation expansion ang mga paliparan sa Clark, Cebu, at Davao.


Sinisilip din nila ang Zamboanga, Iloilo at Bohol bilang international gateways.

Layunin aniya nito na mapaluwag ang Terminals 1,2,3, at 4 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sinabi ni Tugade, na mahalagang mapaunlad din ang aviation sa iba pang bahagi ng bansa.

Magsisimula ang plano kasabay ng pagpapatupad ng General Community Quarantine (GCQ) sa National Capital Region (NCR) sa June 1.

Samantala, magtatayo ang DOTr ng COVID-19 Test Laboratories sa mga paliparan.




Facebook Comments