away pamilya mula Buldon Maguindanao at Alamada North Cotabato naayos na, mga baril isinuko pa

Muling nagkaayos ang apat na pamilya na nagmumula sa mga Brgy. ng Nuyo, Edcor sa Buldon at mga pamilya mula sa Alamada North Cotabato sa isinagawang Rido Settlement na pinangunahan ni Mayor Abolais Manalao , VM Cairoden Pangunotan at 37th IB Commander Col. Roberto Go Jr.
Isinagawa ang Rido Setllement sa pagitan ng mga pamilya Pacasum, Macabangon, Aragasi at Mimbisa sa kampo ng Alpha Company ng 37th IB sa Sitio Bora Brgy Oring.
Kapwa nangako ang mga ito na tatalima sa mga napag usapan matapos magsumpaan sa Quran.
Isinuko rin ng mga ito ang apat na mga baril kabilang na ang 3 carbine rifle at isang M16.
Nagpapasalamat naman si Mayor Manalao at tumugon sa kanilang adokasiya at kampanya ang mga nainvolved na mga pamilya.
Sinasabing nag ugat lamang sa simpleng nakawan at selos ang dahilan ng RIDO ng mga nabanggit na pamilya giit pa ng mga otoridad na nagresulta sa kamatayan ng ilang indibidwal sa bawat pamilya. (D.A)

Play -0:05 Additional Visual Settings Enter Watch And ScrollClick to enlarge Unmute <www.facebook.com/729KHZ/videos?__xts__%5B0%5D=68.ARDrAIUeE-fKBSUoJ44NOimTl1GsQFImKTwPxEeZVO-oa2O5WL7wsBI_0crhqRxYYzCciBxVWZ-KAGr0euLVHvqGf7aaQJUF2p9Vx9t3-nYIOmJUX-vzFiVgs_uSrAo76EhyI-8cRbp7TK2N53UN…>

Facebook Comments