AWAY POLITIKA? | Bahay ng incumbent barangay chairman sa Cebu, pinagbabaril

12

Cebu – Pinagbabaril ng mga hindi nakilalang suspek ang gate ng bahay ng incumbent na barangay kapitan sa Dumanjug, Cebu.

Sa ulat, nagulat na lamang si Barangay Captain Reynaldo Albios nang makarinig ng mga putok ng baril kung saan hindi niya ito pinansin dahil inakala niyang malayo ito sa kanyang bahay.

Nadiskubre na lamang ni Albios na tadtad na ng bala ang gate ng kanyang bahay maging ang kaniyang sasakyan ay tinamaan din ng bala.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente, at inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Facebook Comments