AWAY SA TRAPIKO | Tricycle driver, patay matapos pagbabarilin sa General Trias, Cavite

Cavite – Patay ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin sa Barangay San Juan Uno, General Trias, Cavite.

Dead-on-the spot ang biktimang si Marcel Diyang Jr., 48-anyos na tadtad ng bala sa katawan.

Ayon sa General Trias Police Station, pinagbabaril ang biktima ng hindi nakilalang suspek malapit sa isang gasolinahan sa nasabing barangay.


Hinala ng mga otoridad na away sa trapiko ang dahilan ng insidente lalo na at nagku-kuwento ito sa gas boy na may nakabangaan bago siya binaril ng suspek.

Facebook Comments