Awra Briguela, ipinagmalaki sa publiko ang pagtatapos ng kanyang ama sa kolehiyo

119

Ipinagmalaki ng Kapamilya Actor na si Awra Briguela ang pagtatapos ng kanyang ama sa Kolehiyo sa kursong Business Management in Human Resources sa Las Piñas City.

Sa kanyang instagram post, ibinahagi ni Awra ang larawan nila ng kaniyang ama na si Oneal Bryan habang suot ang toga at hawak ang kaniyang diploma.


Sa caption ni Awra, kapansin pansin ang pagiging proud niya bilang isang anak dahil nakapagtapos na sa pag-aarla ang kanyang ama sa edad na 36.

Aniya “it’s better than late, than never”.

Nahinto raw kasi ang kanyang ama sa Kolehiyo para suportahan ang pag-aaral nilang magkakapatid.

Kaya naman nang magsimulang kumita si Awra sa pag-aartista, doon na ito nagdesisyon para magpatuloy sa pag-aaral.

Facebook Comments

From Advertisers