AWTORIDAD, MAY PAALALA SA MGA MOTORISTA AT TURISTA NA DADAGSA SA AW-ASEN FALLS

Dinarayo ngayon ang pinakamataas na talon sa buong Ilocos Region – ang Aw-asen Falls na matatagpuan sa Brgy. Santo Rosario sa Sigay, Ilocos Sur.

Kaugnay nito, nagpaalala ang Sigay Municipal Disaster Risk Reduction Management Office sa mga turistang bumibisita rito, particular na ang mga nakamotorsiklo.

Dahil pababa at paakyat ang tutunguhing destinasyon, pinaalalahanan ang mga motorista ukol sa posibleng pagkakaroon ng loose break habang papunta sa naturang pook-pasyalan.

Hinikayat ang lahat na magkaroon ng regular na maintenance, o laging pagcheck sa preno ng mga sasakyan.

Importante ring matiyak na malinis at sapat ang brake fluid, pagpapalit ng brake pads, at pagsisiguro na walang problema ang brake lines.

Huwag i-over-use ang paggamit ng preno upang iwas overheat, at inirerekomenda rin ang pag-upgrade ng brake system.

Samantala, nasa anim hanggang walong oras ang layo nito mula Metro Manila via Candon City, Ilocos Sur at mayroong 45 minutong paghike upang makarating dito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments