AWTORIDAD, NAGPAPAALALAUKOL SA MGA MANGINGISDA SA IPINAGBABAWAL NA PAGGAMIT NG ELECTRO-FISHING GADGETS

Nagpaalala ang awtoridad sa mga mangingisda ukol sa ilang aktibidad ng pangingisda na gumagamit ng electronic gadgets.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Calasiao Police Station Deputy Chief PCpt. Anthony Doctolero, binigyang-diin nito ang umiiral na batas ukol sa electro fishing.

Sa ilalim ng RA 6451 o ang Anti-Electrofishing Act, ipinagbabawal ang paggamit ng kuryente sa paghuli ng isda sa mga kailugan sa bansa, liban na lamang sa mga may layuning pananaliksik, pang-edukasyon at pang-agham na pinahihintulutan ng Secretary of Agriculture at Natural Resources.

Ang naturang pagpapaalala ay bunsod ng naitalang drowning incident sa bayan kung saan nasawi ang isang mangingisda matapos itong malunod nang napunta sa malalim ng bahagi ng fishpond, at pinaniniwalaang baka umano nakuryente ng gamit na sariling improvised electric tool.

Dagdag nito, ito ang unang kaso ng pagkalunod ngayong 2025. Samantala, mayroon na rin umanong natatanggap na report na mangingisdang gumagamit ng electronic gadgets bagamat isinagawa ang operasyon tuwing madaling araw upang makaiwas. umano sa huli. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments