AYAW MAUBUSAN | Babae sa Massachusetts, ipinagpalit ang kanyang kotse sa kendi

35

Massachusetts – Sa takot na hindi na makakain ng paborito niyang Kendi, isang babae sa Massachusetts ang nagdesisyong i-trade ang kanyang kotse kapalit nito.

Buwan ng Marso nang ianunsyo ng Candystore.Com na posibleng hindi na sila mag-produce ng Necco Wafer at baka magsara na rin ang kanilang kompanya dahil hindi na sila makahanap ng buyer.

Dahil dito, nag-panic buying na rin ang maraming Necco fans at kabilang na nga dito si Katie Samuels.

Aniya, bata pa lang siya ay paborito na niya ang Necco Wafer kaya naman hindi siya nagdalawang isip na i-trade ang kanyang 2003 honda accord kapalit ng lahat ng natitira nitong kendi.

‘Yun nga lang, tinanggihan ng Candystore.Com ang kanyang alok.

Facebook Comments