AYAW NG PANGULO | DENR, susubukang makipagpulong sa lahat ng open pit mining operators sa susunod na linggo

53

Manila, Philippines – Susubukang makipagpulong ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu sa 41 metallic mine operators sa bansa sa susunod na linggo.

Ito ay para muling igiit ang pagkasuya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa open-pit mining operations.

Ayon kay Cimatu, bagamat nakikita niya ang rehabilitation efforts ng ilang kumpanya, wala siyang magagawa kung hindi gusto ng Pangulo ang nasabing pamamaraan ng pagmimina.

Una nang sinabi ng Pangulong Duterte na palalawigin niya ang ban sa open-pit mine kung mabibigo ang mga mining firm na magsagawa ng rehabilitasyon at pagtatanim ng mga puno.

Facebook Comments