AYON SA SURVEY | Walo sa kada 10 pilipino, nais makapagtrabaho sa gobyerno ayon sa Jobstreet

38

Manila, Philippines – Walo sa kada 10 Pilipino ang bukas na makapagtrabaho sa gobyerno base sa survey ng recruitment portal na Jobstreet. Ayon kay Jobstreet Philippine Country Manager Philip Gioca, 80 porsyento sa 16,000 respondents ang nagsabing okay sa kanilang maging kawani ng pamahalaan. Aniya, pinakagustong magtrabaho ng mga na-survey sa Bureau of Internal Revenue (BIR), Philhealth, Social Security System at Department of Public Works and Highways. Sabi rin ni Gioca, tinatayang 10,000 trabaho sa gobyerno ang nakapaskil sa Jobstreet.Com. Kasalukuyan ding nakikipag-usap sa gobyerno ang Jobstreet para maging opisyal na portal kung saan ilalathala ang mga trabaho sa gobyerno.

Facebook Comments