Ayuda, dapat ipamahagi sa lahat ng lugar sa ilalim ng ECQ at hindi Metro Manila lamang

Umapela si Senator Joel Villanueva sa gobyerno na magbahagi ng ayuda sa mga residente ng lugar na sasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) maliban sa Metro Manila.

Tinukoy ni Villanueva na mas nauna pang nagsimula ang ECQ sa mga lungsod ng Cagayan de Oro, Iloilo at Gingoog kumpara sa Metro Manila na ‪kasismula pa lang ngayong Agosto 6‬.

Diin ni Villanueva, nagugutom din ang mga kababayan natin doon at mawawalan din ng hanapbuhay ang karamihan sa kanila.


Paliwanag ni Villanueva, hindi lang sa Metro Manila nangyayari ang gutom kaya dapat ay hanapan din ng Department of Budget and Management (DBM) ng pagkukuhanan ng pondo ang ayuda sa iba pang Local Government Units (LGUs) sa bansa na nakasailalim din sa lockdown.

Facebook Comments