AYUDA | DSWD, nagpadala na ng food packs sa Batanes

Nagpadala na ang Department of Social Welfare and Development o DSWD ng food packs sa Batanes.

Ayon kay DSWD Secretary Virginia Orogo, nasa 5,000 food packs, isang libong hygiene kits, isang libong family kits at isang libong sleeping kits ang ipindala nila sa lalawigan.

Pagtitiyak rin ni Orogo, na naka-stand by na ang kanilang quick response team sakaling kailanganin ang dagdag pwersa sa pagbibigay ayuda sa mga lugar na inaasahang hahagupitin ng bagyong Ompong.


Facebook Comments