AYUDA | Higit ₱1 billion calamity assistance para sa mga naapektuhan ni Ompong, sinimulan nang ipamahagi ng SSS

70

Sinimulan na ng Social Security System (SSS) na ipamahagi ang P1.61 bilyong calamity assistance program para sa mahigit isang milyong miyembro at pensioner na naapektuhan ng nagdaang bagyong Ompong.

Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Emmanuel Dooc, nag-alok na ang SSS ng calamity loan, advance three month pension at direktang house repair at improvement loan para sa mga apektadong miyembro ng SSS.


Aniya, maaari makapag-avail ang mga miyembro kung ang kanilang lugar ay naideklarang calamity-stricken area ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Kabilang sa mga ideneklarang calamity areas ang Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mountain Province, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga,Tarlac at Zambales.

Maaaring makapag-apply ang isang miyembro ng calamity loan na P16,000.

Pwede ring makapag-avail ng calamity loan ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na naninirahan sa mga nabanggit na lugar.

Facebook Comments

From Advertisers