Ayuda ng gobyerno sa transport sector, ipinanawagan ng grupong Pasang Masda

42

Nanawagan na ng ayuda sa national government ang grupo ng transport sector na isa rin sa mga naapektuhan ng Luzon-Wide Enchanced Community Quarantine (ECQ).

Sa interview ng RMN Manila kay Pasang Masda National President Obet Martin, umapela ito sa pamahalaan na iparating na ang tulong sa kanilang hanay na itinuturing na kabilang sa informal sector.


Ayon kay Martin, sa ngayon ay nagamit na ng Pasang Masda ang kanilang butaw o yung pondo ng kanilang mga kasapi upang ipang-ayuda sa mga driver.

Una nang nagbigay ng 2,000 sako ng bigas bilang tulong sa higit 4,000 na tsuper ng jeep sa Maynila si Mayor Isko Moreno.

Facebook Comments