AYUDA | Tulong pinansyal para sa mga kaanak ng mga nasawi sa Dimple Star Bus accident sa Occidental Mindoro, tiniyak ng Malacañan

46

Manila, Philippines – Tiniyak ng Malacañan na mabibigyan ng ayuda ang mga kaanak ng mga biktimang nasawi sa Dimple Star Bus Accident sa Occidental Mindoro.

Simula bukas (March 26), makatatanggap ang pamilya ng mga biktima ng 200,000 pesos habang ang mga nasugatan ay bibigyan ng 20,000 pesos mula sa Passenger Accident Management And Insurance Agency.

Bukod dito, bibigyan din ng cellphone at karagdagang 10,000 pesos sa bawat paasaherong nasugatan sa trahedya.

Matatandaang 19 na tao ang namatay habang 21 ang sugatan sa aksidente.

Facebook Comments