Ayudang ibibigay sa mga nawalan ng trabaho, magmumula sa emergency employment fund ng DOLE

Gagamitin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang bahagi ng emergency employment fund nito para bigyang ayuda ang mga manggagawang pansamantalang mawawalan ng trabaho.

Kasabay ito ng muling pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila na magsisimula sa August 6, 2021.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ipinag utos na niya ang paggamit sa nalalabing pondo ng tulong sa disadvantaged/displaced workers (TUPAD) program para sa manggagawang nawalan ng trabaho na nagkakahalaga ng P4 billion.


Hiniling naman ni Bello sa Department of Budget at Management (DBM) ang P2-B supplemental budget para palawigin ang assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program na COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) ng DOLE.

Ang camp ay nagbibigay ng P5,000 financial assistance sa mga apektadong manggagawa sa mga establisyemento mayroong flexible work arrangements sa ilalim ng ECQ.

Facebook Comments