Azkals, naghahanda na sa laban kontra Nepal sa 2017 AFC Asian cup qualifier

37
Manila, Philippines – Pinaghahandaan na ngayon ng Philippine National Footbal Team Azkals ang nalalapit na laban nila kontra Nepal sa darating na Martes (March 28) sa Rizal Memorial Stadium.
 
Ayon kay Azkals Coach Thomas Dooley, hindi sila nabahala sa naging resulta ng naging laban nila sa Malaysia noong Miyerkules ng gabi dahil naka-focus sila ngayon sa AFC Asian cup qualifying tournament.
 
Kahit na lamang sa home court advantage, hindi daw magiging kampante ang Azkals kaya’t patuloy ang kanilang ginagawang pagsasanay.
 
Kanila na ring pinag-aaralan kung sino ang pwedeng pumalit kay Misagh Bahadoran na nagkaroon ng injury sa tuhod noong laban nila ng Malaysia.
 

 

Facebook Comments