Babae, Nakagapos, Patay, Natagpuan sa Tabi ng Kalsada sa San Fernando, CamSur

4837

Isang babae na hindi pa alam ang pagkakakilanlan ang natagpuang patay sa gilid ng Maharlika High-Way
sa Barangay Del Pilar, bayan ng San Fernando, Camarines Sur.
Ang biktima ay nakagapos sa likuran ang dalawang kamay samantalang may nakatali rin ng yellow nylon cord ang mga paa.
Ang babae ay naka-short ng puti at naka-t-shirt ng dark blue at nasa lampas 5 feet ang estimated height. Maputi at makinis ang balat at tinatayang nasa 30 lang ang edad nito.
Kasalukuyang iniimbistigahan pa ng San Fernando Police ang nasabing pangyayari.
Kung tingnan ang sitwasyon, mukhang sinalvage at tinapon lamang sa lugar ang bangkay ng nasabing biktima.
tags; brgy. del pilar, san fernando, camarines sur

Facebook Comments