Nasawi ang isang 50 anyos na babae matapos malunod sa dalampasigan ng Barangay Patar, Bolinao, Pangasinan noong Linggo ng umaga, 16 Marso, 2025.
Ang biktima ay residente ng Bulacan.
Ayon sa pulisya, habang pabalik sa pampang ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan na sakay ng banana boat ay tumaob ito dahil sa malalakas na alon.
Nahulog ang biktima at nakainom umano ng maraming tubig dagat.
Nawalan ng malay ang biktima na agad namang itinakbo sa ospital ngunit Idineklarang dead on arrival ng doktor.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa insidente.
Samantala, paalala ng Bolinao Police Station sa mga beachgoers na mag-ingat sa pagligo sa dagat o anomang water activity upang maiwasan ang anumang pagkakalunod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments