BABAE, NANGANAK SA TRICYCLE SA ARAW NG HALALAN

Cauayan City – Isang di-pangkaraniwang inspection ang nangyari sa Kiangan, Kalinga kahapon matapos manganak sa isang tricycle ang buntis na lulan nito.

Habang nagsasagawa ng election-related duties, nasalubong ng mga tauhan mula sa Kiangan Municipal Police Station, Provincial Headquarters, at 54th Infantry Battalion ng 5th Infantry Division ang isang pamilyang taga-Payawan, Lamut na sakay ng tricycle at papunta sana sa ospital.

Ayon sa press release ng Kiangan police, aktibo na sa labor ang ina nang sila ay mamataan sa kahabaan ng highway sa Hucab, Kiangan.

Agad namang kumilos ang grupo at dinala ang isang midwife mula Bolog patungo sa lokasyon ng tricycle.

Sa tulong ng midwife at mabilis na aksyon ng mga awtoridad, ligtas na nailuwal ang isang malusog na batang babae sa loob ng tricycle.

Matapos ang panganganak, agad din silang inihatid sa Hucab Birthing Clinic para sa karagdagang medikal na atensyon.

Parehong nasa maayos na kalagayan ngayon ang ina at ang kanyang bagong silang na sanggol.

Facebook Comments