Babae, Natagpuang Palutang-lutang sa Ilog Cagayan

25
Cauayan City, Isabela- Natagpuan ang palutang-lutang na katawan ng isang babae sa ilog Cagayan na sakop ng Barangay Catayauan, Lal-lo, Cagayan kaninang umaga, August 3, 2022.

San report ng Cagayan Provincial Information Office, inihayag ni Leopoldo Colosaga, head ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng bayan ng Lal-lo, mga mangingisda sa lugar ang nakakita sa katawan ng babae na kaagad na ipinagbigay-alam sa tanggapan ng MDRRMO.

Ayon sa opisyal, nasa bloated stage na ang biktima na nakasuot ng maong shorts, itim na pang-itaas at tinatayang nasa edad 20 pataas.

Agad na nakipag-ugnayan ang MDRRMO sa PNP Sto. Niño dahil may naunang report sa himpilan na may nawawalang babae.

Samantala, pinag-iingat naman ni Colosaga ang lahat, lalo na ang mga magtutungo sa ilog Cagayan dahil bahagyang tumaas ang lebel ng tubig kasunod ng naranasang pag-uulan.

Facebook Comments