Babae, natagpuang patay sa isang apartelle sa Quezon City

97

Quezon City – Natagpuang patay ang isang babae sa apartelle sa Commonwealth Avenue sa Barangay Old Balara, Quezon City.

Kwento ng bellboy, may kasamahang lalaki ang babae nang mag-check in sa apartelle pero biglang umalis ang lalaki makalipas ang isang oras at sinabing magsisigarilyo lang subalit hindi na bumalik.

Mag-a-alas-kwatro ng umaga nang kinatok ng mga tauhan ng apartelle ang kwarto nang mag-overtime na ang renta dito pero walang sumagot sa kanila.

Nang buksan ang kwarto, tumambad sa kanila ang bangkay ng babae sa kama na nakilalang si Girlie Villahermosa na bumubula ang bibig.

Pinaghahanap na ngayon ang kasama nitong lalaki kung saan isinantabi naman ng mga pulis ang motibong pagnanakaw dahil nasa crime scene ang tablet PC at wallet nito.

Facebook Comments