Babae patay matapos na makuryente sa isla ng Boracay

22

Malay, Aklan – Hindi na umabot pang buhay sa hospital ang isang 29-anyos na babae matapos na makuryente kahapon ng tanghali sa Brgy. Manocmanoc, Boracay, Malay, Aklan. Ang biktima ay nakilalang si Florelie Francisco at residente ng nasabing lugar. Ayon sa imbestigasyon ng mga otoridad na kahapon ay naligo ang biktima at pagkatapos maligo ay pumasok ito sa kwarto kasama ang kanyang pamangkin. Makaraan ang ilang minuto ay nagsusumigaw na ang pamangkin nito na humihingi ng saklolo at narinig naman ng tatay ng biktima. Agad itong pinuntahan ang kwarto ng biktima kung saan nakita itong nakahandusay at nakapatong ang electric fan. Pinaniniwalaan na isinaksak nito ang electric fan para magpatuyo ng buhok pero dahil sa basa ay nakuryente ito. Sinikap pang madala sa hospital ang biktima pero idineklara itong dead on arrival.

Facebook Comments