Babae, patay sa pamamaril sa Maynila

175

Manila, Philippines – Patay ang 43 anyos na si Carmencita Cuison matapos pagbabarilin sa lungsod ng Maynila.

Batay sa report ng MPD homicide section, nakaupo lamang sa tabi ng Onyx St. sa San Andres bukid sa Sta Ana Maynila si Cuison nang biglang simulpot ang armadong suspek saka binaril ang biktima.


Duguan at wala nang buhay nakahandusay si Cuison nang makita siya ng kaniyang live in partner.

Naisugod pa sa ospital ang biktima pero di na umabot ng buhay dahil sa dalawang tama ng bala sa likod ng ulo.
Ayon sa mga saksi, Naglakad lamang papalayo ang suspek matapos ang pamamaril.

Iniimbestigahan pa ng otoridad ang motibo sa pamamaril

DZXL558, Mike Goyagoy




Facebook Comments