Babae patay sa pamamaril sa Muntinlupa City

*Muntinlupa City* – Dead on the spot ang isang hindi pa nakikilalang babae matapos barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang suspek sa Brgy. Poblacion, Muntinlupa City.

Inilarawan ang biktima na nasa edad na 25 hanggang 30, mahaba ang buhok, nakasuot ng itim na t-shirt, gray leggings, doll shoes.

Sa pagsisiyasat ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng SPD, isang basyo ng hindi pa batid na kalibre ng baril na nakuha sa pinangyarihan ng insidente.


Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad para matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima maging ang salarin.

Facebook Comments