Babae sa California, arestado matapos dilaan ang mga paninda sa isang grocery store

Inaresto ang isang 53-anyos na babae matapos nitong dilaan ang mga panindang nagkakahalaga ng mahigit $1,800 o P90,887 sa isang grocery store sa Nevada, California.

Ayon sa salaysay ng isang empleyado ng Safeway supermarket, una na raw kumuha ng mga alahas si Jennifer Walker mula sa tindahan saka dinilaan ang mga ito bago pa man siya mamili ng iba pang produkto.

Sa ngayon ay hindi na maaaring ibenta ang mga naturang items dahil sa takot ng cross-contamination.


Humaharap naman sa reklamong felony vandalism si Walker at nakalaang magpakita sa El Dorado County Jail na may kauukulang piyansa na nagkakalahaga ng $10,000 o mahigit kalahating milyong piso.

Nangyari naman ang pagsasakdal noong nakaraang Huwebes sa South Lake Tahoe Jail.

Facebook Comments