
Inaresto ng mga tauhan ng Manaoag Police Station ang isang 39 anyos na babae sa pamamagitan ng Warrant of Arrest dakong alas-3:10 ng hapon noong Nobyembre 3, 2025, sa loob mismo ng custodial facility ng nasabing istasyon.
Kinilala ang inaresto bilang residente ng Manaoag, Pangasinan.
Ayon sa ulat ng pulisya, ang warrant ay kaugnay ng kasong Falsification by Private Individual and Use of Falsified Documents sa ilalim ng Article 172 ng Revised Penal Code.
Batay sa rekord ng korte, may apat na Criminal Case laban sa nasabing akusado, na may inirekomendang piyansang 36,000 pesos.
Sa kasalukuyan, nananatili sa kustodiya ng Manaoag Municipal Police Station ang akusado habang inaasikaso ang mga kaukulang dokumento para sa tamang proseso ng kanyang kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









