BABAE, TINAMAAN SA ULO NG TUMALSIK NA BATO SA GINAGAWANG DAAN SA MAYOMBO ST. DAGUPAN CITY

Tinamaan sa ulo ang isang babae ng tumalsik na bato mula sa ginagawang daan sa bahagi ng Mayombo St. Dagupan City.

Sa isang facebook post, isinaad ng biktima na dahilan umano ang mabilis na patakbo ng isang truck na tumatawid sa nasabing daanan kaya tumalsik ang bato.

Bumaba umano ito sa hagdan na nasa gilid ng drainage ngunit sa pag-akyat ay naabutan nito ang mabilis na patakbo ng nasabing sasakyan.

Idinulog naman ito sa kinauukulan upang bigyan ng pinansyal na assistance habang patuloy na ang pagsasaayos sa nasabing daanan.

Matatandaan na naging pahirapan din sa ilang maliliit na sasakyan ang pagtawid sa ginagawang daan dito dahil sa naiwang malalaking bato matapos na anurin ng baha ang buhangin na itinambak bilang pansamantalang daanan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments