BABAENG BINUGBOG UMANO NG DATING KALIVE-IN, NASAWI SA SAN NICOLAS, ILOCOS NORTE

Nasawi ang isang babae mula sa Brgy. San Pablo matapos umanong bugbugin ng kanyang dating live-in partner na residente naman ng Brgy. San Pedro, San Nicolas.

Ayon kay PCPT Sygman Benigno, hepe ng San Nicolas Police, personal umanong pinuntahan ng suspek ang biktima sa harap ng isang kainan sa Brgy. 18, San Pedro, kung saan ito ay ilang ulit na binugbog.

Batay sa imbestigasyon, sinasabing motibo ng pananakit ay ang pagtanggi ng biktima na makipagbalikan sa suspek.

Naaresto na ng mga awtoridad ang suspek at nahaharap ito sa kasong murder.

Facebook Comments