Babaeng buntis, arestado sa pagtutulak ng droga sa Cebu

Manila, Philippines – Arestado ang isang babaeng buntis matapos maaktuhang nagbebenta ng ilegal na droga sa isang mall sa Talisay City, Cebu.
 
Nakilala ang suspek nasi Edlyn Generales, 37 taong gulang.
 
Ayon kay SPO2 Jeffrey Diola ng Talisay City police station, kasama ng suspek ang kaniyang 12 taong gulang na anak na lalaki nang iabot nito ang puting sobre na naglalaman ng 50 gramo ng shabu sa kanilang police asset.
 
Dahil dito, nahaharap ang suspek sakasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act of 2002.
 
Nakikipag-ugnayan na rin ang talisay police sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa paghahain ng kasong child abuse sa suspek.
 
Sinabi ni Diola na si Generales ay courier ng napatay na drug lord na si Jeffrey “Jaguar” Diaz.
 
 

Facebook Comments