Babaeng Chinese na nagbuhos ng taho sa isang pulis sa MRT Boni station, iba-ban ng DOTr

874

Manila, Philippines – Posibleng i-ban ng Department of Transportation (DOTr) ang babaeng Chinese na nagtapon ng taho kay PO1 William Cristobal sa Metro Rail Transit 3 (MRT-3).

Ayon kay DOTr ASec. Goddes Hope Libiran – ikinukonsidera nilang i-ban sa lahat ng istasyon ng MRT si Jiale Zhang.

Ito ay para igiit sa publiko na may mga alituntunin sila na dapat sundin.

Sa susunod na Linggo, ilalabas ang desisyon kung permanente o temporary ban ang ipapataw sa dayuhan.

Samantala, nakikipag-ugnayan na rin ang Bureau of Immigration (BI) sa DOTr at NCRPO sa detalye ng kaso para masuri kung anong parusa ang maaaring ipataw kay Zhang.

Nakakulong na ang dayuhan na nahaharap sa kasong direct assault, disobedience to a person in authority at unjust vexation.

Facebook Comments