Babaeng Chinese na nagsaboy ng taho sa isang pulis, irerekomendang maging undesirable alien ng PNP

754

Manila, Philippines – Irerekomenda ng NCRPO na maging undesirable alien sa bansa ang babaeng chinese na nagsaboy ng taho sa isang pulis na nagbabantay sa MRT Boni station kahapon.

Ayon kay NCRPO Director C/ Supt. Guillermo Eleazar – hindi nila palalagpasin ang ginawang pambabastos ni Jiale Zhang kay PO1 William Cristobal.

Dapat aniyang harapin ng dayuhan ang consequences ng naging aksyon niya.

Kahapon, personal na nagtungo sa Mandaluyong Police Station si Eleazar at hinarap ang inarestong Chinese National.

Facebook Comments